Plano ng rehabilitasyon para sa mga apektado ng pagguho ng dam, inilabas ng Laos

2018-08-08 12:09:34 CRI

Itinakda ng Pamahalaan ng Laos ang plano ng rekonstruksyon at rehabilitasyon para sa mga mamamayan sa lugar na apektado ng pagguho ng dam. Kabilang sa nasabing plano ay pangkasalukuyan, pangkalagitnaan at pangmalayuang plano.

Ito ang ipinahayag ni Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos sa preskon Martes, Agosto 7 sa Vientiane, kabisera ng bansa.

Si Saleumxay Kommasith

Inilahad ni Kommasith na ang planong pangkasalukuyan ay sumasaklaw sa pagpapabilis ng rekonstruksyon ng imprastruktura ng mga apektadong lugar, at patuloy na pagbibigay ng damit, pagkain, tubig, serbisyong medikal sa mga biktima. Samantala, ang mid at long-term plan ay kinabibilangan ng relokasyon ng mga apektadong mamamayan, pagpapanumbalik ng produksyon ng mga sinalantang lugar, at psychosocial support.

Ipinahayag din ni Kommasith ang pasasalamat ng pamahalaang Lao sa ibinigay na tulong mula sa mga bansang dayuhan na gaya ng Tsina, Hapon, Thailand at iba pa.

Noong gabi ng Hulyo 23, bunsod ng pagguho ng Xepian-Xe Nam Noy hydropower dam sa dakong timog ng Laos, maraming nayon ng Sanamxay District ng Attapeu Province ang binaha. Ayon sa pinakahuling datos, 34 katao ang nasawi at 97 iba pa ang nawawala.

Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: CRI Lao Service

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino