Fishery agreement kailangan

2018-08-08 16:22:54

 

SAMANTALANG hinihintay ang kalalabasan ng Code of Conduct sa pagitan ng mga bansang mayroong sala-salabat na paghahabol sa bahagi ng South China Sea, sinabi ni Secretary Alan Peter S. Cayetano na pabor siyang magkaroon ng kasunduan hinggil sa pangingisda.


Makatutulong umano ang bagay na ito.  Niliwanag ng kalihim na mayroong ugnayang nagaganap sa pagitan ng Pilipinas at Tsina at sa oras na maging maganda ang kalalabasan nito ay inaasahang lalawak ang bilang ng mga bansang magkakaroon ng interes na makipagkasundo sa larangan ng pangingisda.


Nakausap na rin umano niya ang kanyang kapwa kalihim mula sa Vietnam sapagkat nagkaroon na rin ng mga isyung bumabalot sa pagitan ng mga mangingisda ng dalawang bansa.


Samantalang magandang kaisipan ang pagkakaroon ng kasunduan sa pangingisda, isang problema ang pagpapatupad ng nilalaman ng kasunduan. Ani Secretary Cayetano, ito ba ay ipatutupad ng Chinese o Philippine Coast Guard.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino