Foreign Secretary Cayetano, pamantayan ang Malampaya

2018-08-08 16:25:52

 

SA likod na napipintong kakulangan sa kuryente sa bansa, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Cayetano na magkaroon ng ibayong pagsusuri sa yamang nasa ilalim ng South China Sea sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.


Sa idinaos na press briefing para sa mga mamamahayag kanina, sinabi ni Secretary Cayetano na magandang pamantayan ang naunang kasunduan ng mga nakasama sa pagbatid at pagsusuri at paggamit ng natural gas sa Malampaya na nagkaroon ng hatiang 60-40.


Ang mahalaga ay ang mga kasunduang mamamagitan sa Pilipinas at Tsina ay susunod sa itinatadhana ng Saligang Batas.  Nabanggit ni Secretary Cayetano na mayroong karaniwang kasunduan hinggil sa oil and gas exploration na 50-50 subalit nakasalalay ito sa magagastos at teknolohiyang magagamit .


Hamak na makabubuti ang tinaguriang “principled pragmatism” sapagkat mabuti na ang 60-40 kaysa walang sinumang makinabang.


Pribadong sektor ang mangangapital, samantalang ang mga alituntunin lamang ang gagawin ng pamahalaan.  Ang pinakamahalagang pagkasunduan ay ang exploration sapagkat kung mababatid na wala naming commercial quantity ang deposits, wala ring halagang mag-usap pa.


Subalit sinabi rin ni Secretary Cayetano na malaki ang deposito ng natural gas sa karagatan.  Bagaman, tumanggi siyang sabihin kung ito ba ay na sa Reed Bank o sa Spratlys.


Nangako rin si Secretary Cayetano na haharap sila ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi upang higit na maging maliwanag ang mga isyung nais mabatid ng madla.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino