Prayoridad ng pamahalan ang kaligtasan ng mga Filipino sa ibang bansa

2018-08-08 16:27:14

 

NABABAHALA ang pamahalaan sa kalagayan ng mga manggagawang Filipino na dinukot kamakailan sa Libya.  Hindi pa mabatid kung anong grupo ang nasa likod ng pagdukot.


Naglalayon umanong tumulong ang mga binihag na mabigyan ng dalisay na tubig na maiinom ang bansang Libya. 


Kabilang si Secretary Roy Cimatu, dahil sa kanyang kaalaman sa mga nagaganap sa Gitnang Silangan at marami ring mga kaibigan kaya't kabilang siya sa high-level team.  Kasama rin si Secretary Cayetano, Labor Secretary Silvestre Bello, Armed Forces of the Philippines at iba pa.


Nahihirapan din ang Libya na malutas ang pagdukot tulad rin ng mga banyagang nadukot ng mga Abu Sayyaf sa mga nakalipas na panahon.


Wala pang ransom demand ang mga dumukot, dagdag pa ni Secretary Cayetano.  Nakabantay ang mga diplomata ng Pilipinas sa Libya at anumang oras ay maaaring sunduin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga manggagawang Filipino na nasa Libya.


Umaasa si Secretary Cayetano na makauuwi rin ang mga binihag na manggagawa sa pinakamadaling panahon.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino