Thailand, umaasang palalakasin ang kooperasyon ng Belt and Road at Thailand 4.0

2018-08-11 17:51:04 CRI

Idinaos kahapon, Biyernes, ika-10 ng Agosto 2018, sa Bangkok, Thailand, ang Ika-7 Thai-Chinese Strategic Research Seminar, na may temang "Tungo sa Komong Pag-unlad: Belt and Road at Thailand 4.0."

Sa kanyang talumpati sa seminar, ipinahayag ni Kobsak Pootrakool, Ministro sa Tanggapan ng Punong Ministro ng Thailand, ang pag-asa ng kanyang bansa, na sa ilalim ng Belt and Road Initiative, pabibilisin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga aspekto ng daambakal, pamumuhunan, inobasyong panteknolohiya, at iba pa. Ipinahayag din niya ang mainit na pagtanggap sa paglahok ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Thailand 4.0 planong pangkabuhayan at konstruksyon ng Eastern Economic Corridor ng Thailand.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino