Ika-18 mapagkaibigang pagtatagpo ng mga kabataan ng Tsina at Biyetnam, sinimulan

2018-08-15 19:45:35 CRI

Sinimulan kagabi, Martes, ika-14 ng Agosto 2018, sa Hanoi, Biyetnam, ang ika-18 mapagkaibigang pagtatagpo ng mga kabataan ng Tsina at Biyetnam.

Sa seremonya ng pagsisimula, kapwa binigyan ng positibong pagtasa nina Fu Zhenbang, Kalihim ng Sentral na Sekretaryat ng Communist Youth League ng Tsina, at Bui Quang Huy, Kalihim ng Ho Chi Minh Communist Youth Union ng Biyetnam, ang tuluy-tuloy na pagdaraos ng naturang mapagkaibigang pagtatagpo, bilang isa sa mga pangunahing aktibidad ng pagpapalitan at pagtutulungan ng mga kabataan ng dalawang bansa. Ito anila ay mahalagang elemento para sa pagpapatatag ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at pagpapasulong sa kanilang komong kasaganaan at kaunlaran.

Sa 7-araw na aktibidad na ito, isinasagawa ng mahigit 100 kabataan mula sa Tsina at Biyetnam ang makukulay na aktibidad sa ilang lugar ng Biyetnam.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino