Electric vehicle mula sa Tsina, gagamitin sa Thailand

2018-08-17 10:53:42 CRI

Inihatid Agosto 16, 2018 sa Bangkok, Thailand ang 101 modelong e6 na electric vehicles na yari ng kumpanya ng BYD, isa sa mga malaking bahaykalakal ng sasakyang de-motor ng Tsina.

Sa seremonya ng pagtanggap, ipinahayag ni Sanit Promwong, Puno ng Kagawaran ng Transportasyong Panlupa ng Thailand na ito ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan sa pangangasiwa sa polusyong dulot ng sasakyang de-motor.

Ayon sa ulat, ang nasabing mga electric cars ay gagamitin para sa operasyon ng mga taksi sa Bangkok.

Nang araw ring iyon, nilagdaan din ng dalawang panig ang kasunduan hinggil sa pag-aangkat ng 1000 katulad na kotse.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino