Pinuno ng PDEA, nagbakasyon

2018-08-17 18:25:56

 

NAGBAKASYON si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino kahit pa tinanggihan ng kanyang ahensya na may kinalaman sila sa kontrobersyal na pagpupuslit umano ng halos pitong bilyong pisong halaga ng shabu papasok sa bansa.


Wala umano siya sa bansa at kasama ang kanyang pamilya at nagbabakasyon upang dumalo rin sa isang class reunion sa Estados Unidos.  Nakatakda silang bumalik sa bansa sa Miyerkoles, ika-29 ng Agosto.


Aprobado umano ng Malacanang ang kanyang bakasyon may anim na buwan na ang nakalilipas bago pa man naganap ang sinasabing drug smuggling.


Si PDEA Deputy Director General for Administration Ismael Fajardo, Jr. ang officer-in-charge.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino