Dan's Way, dokumentaryong mas maglalapit sa Tsina at ASEAN

2018-08-18 18:26:06 CRI

Mga poster ng Dan's Way

Ang Dan's Way ang kauna-unahang large-scale documentary na nakatuon sa pagpapalitang kultural at kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Itinuturing bilang kauna-unahang cultural documentary at tunay na cultural tourism, ang Dan's Way ay nagtatampok sa kilalang TV personality ng Tsina na si Zhu Dan at alok ay bago at naiibang Chinese travel documentary.

Seminar hinggil sa Dan's Way

Upang ipakilala sa mga diplomatang ASEAN at media experts ang Dan's Way, ginanap sa Crowne Plaza Sun Palace Beijing, Sabado, Agosto 18, 2018 ang seminar bilang bahagi ng China-ASEAN Cultural Exchange.

Si He Ying

Ani He Ying, Miyembro ng Standing Committee ng CPC Nanning Municipal Committe at Vice Mayor ng Nanning Municipal Government, ang Nanning ay may mahalagang papel sa pag-uugnay ng mga bansang ASEAN at Belt and Road Initiative ng Tsina. At angkop ang dokumentaryo lalo pa't ngayong taon ipinagdiriwang ang Ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng stratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.

Aniya pa nakaantig sa kanyang damdamin ang paglalahad ng mga kwento ng mga 10 kababaihan na mula sa Indonesia. Pinapurihan niya ang pagtalakay ng dokumentaryo sa kahulugan ng buhay, mga aspirasyon at pag-aasam ng mabuting pamumuhay mula sa perspektibo ng ordinaryong mga tao.

Dagdag pa niya, ang Dan's Way ay magkakaroon ng premier sa Setyembre 12, 2018 bilang bahagi ng pangkulturang aktibidad ng nalalapit na Ika-15 China-ASEAN Exposition (CAEXPO) na gaganapin sa Nanning, Guangxi mula Setyembre 12-15, 2018.

Si Chen Dehai

Dumalo rin si Chen Dehai, Pangkalahatang Kalihim ng China-ASEAN Center sa seminar. Ang tema ng Dan's Way ay Spiritual Tour Beyond Borders. Pinagsasama ng dokyu ang elemento ng kultura at turismo sa naiibang paraan aniya. Naniniwala siyang ang Dan's Way ay maaring maging isang gateway upang magkaroon ng mas mabuting pagkaunawa ang mga Tsino sa ASEAN at maging mabuting tulay upang mas maging malapit ang mga mamamayan ng dalawang panig.

Si Rukmini Tri Setiati

Bilang reaksyon matapos mapanood ang piling mga segments ng dokyu, sinabi ni Counselor Rukmini Tri Setiati ng Pasuguan ng Republika ng Indonesia sa Beijing na hindi lamang nito ipinakikilala ang Indonesia sa mga Tsino, kundi isang paraan ito para malaman kung ano ang tingin ng mga Tsino sa mga Indonesian dahil sinilip ng Dan's Way ang pilosopiya sa buhay at maging ang ispiritwal na paniniwala ng kanyang mga kababayan.

Si Tomasito Umali

Inilarawan naman ni Tomasito Umali, Tourism Attache ng Department of Tourism sa Beijing bilang nakakaantig ng puso at nakakapukaw ng kaisapan ang dokyu. Bilang mungkahi sa mga producers ng documentary, sinabi niyang pag-aralan din nila kapwa ang positibo at negatibong epekto ng turismo sa isang lugar. At matamang alamin ang mga mainam na communication tool para sa epektibong tourism promotion. Handa siyang makipagtulungan sa pagtalakay nilalaman ng mga darating na episodes ng Dan's Way sa hinaharap.

Ang Dan's Way ay produksyon ng Beijing Eleven Media Co. Ltd sa pakikipagtulungan sa China Central Fund of News Documentary Film, Shanghai Dragon Lord Pictures Co. Ltd at production company ni Zhu Dan. Ayon sa plano, mapapanood ang dokyu sa Oktubre 2018 sa kapwa traditional at new media platforms sa Tsina. At inaasahang ipalabas sa ibang bansa sa hinaharap.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino