Pagtutulungan sa lokalisadong sustenableng pag-unlad at pagbabawas ng kahirapan, tinalakay ng Tsina at ASEAN

2018-08-22 19:12:11 CRI

Sa pagtataguyod ng Misyon ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), United Nations Development Programme (UNDP), at Sekretaryat ng ASEAN, idinaos nitong Martes at Lunes, ika-21 at ika-20 ng Agosto 2018, sa Siem Reap, Kambodya, ang talakayan hinggil sa pagsasakatuparan ng lokalisadong sustenableng pag-unlad at target ng pagbabawas ng kahirapan.

Lumahok sa talakayan sina Embahador Huang Xilian ng Tsina sa ASEAN, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim Vongthep Arthakaivalvatee ng ASEAN, Direktor Xu Haoliang ng Regional Bureau for Asia and the Pacific ng UNDP, at ang halos 170 eksperto at iskolar mula sa iba't ibang panig.

Tinalakay nila ang hinggil sa kung paanong babawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad, pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN para sa pagsasakatuparan ng UN 2030 Agenda for Sustainable Development, mga kaso ng pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad at pagbabawas ng kahirapan sa ASEAN, at iba pa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino