Tsina at Thailand, palalakasin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan

2018-08-25 15:07:41 CRI

Idinaos kahapon, Biyernes, ika-24 ng Agosto, 2018, sa Bangkok, ang ika-6 na pulong ng magkasanib na lupong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Thailand. Nangulo sa pulong sina Wang Yong, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Somkid Jatusripitak, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand.

Tinalakay ng dalawang panig ang hinggil sa pagsasagawa ng mas maraming proyektong pangkooperasyon sa ilalim ng Belt and Road at Eastern Economic Corridor. Sinang-ayunan din nilang palakasin ang kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura, agrikultura, siyensiya't teknolohiya, kalawakan, turismo, pinansyo, at mga iba pang larangan.

Ipinahayag naman ng panig Thai ang pagtanggap sa pamumuhunan ng mas maraming bahay-kalakal na Tsino sa bansa, at pagkatig sa paglahok ng mas maraming bahay-kalakal na Thai sa unang China International Import Expo.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino