ASEAN-China Day Fair, idinaos sa Beijing

2018-08-25 15:08:47 CRI

Sa pagtataguyod ng ASEAN-China Center (ACC) at Beijing People's Association for Friendship with Foreign Countries, idinaos kahapon, Biyernes, ika-24 ng Agosto, 2018, sa Beijing, ang ASEAN-China Day Fair. Ang aktibidad din ay idinaos bilang pagdiriwang sa ika-51 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN, at ika-15 anibersaryo ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.

Sa kanyang talumpati sa aktibidad, sinabi ni Chen Dehai, Pangkalahatang Kalihim ng ACC, na ang pagpapalitan ng mga mamamayan ay pangunahing bahagi ng relasyong Sino-ASEAN. Umaasa aniya siyang, ibayo pang palalakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa kultura, edukasyon, turismo, palakasan, kabataan, media, at iba pa, para magbigay ng matibay na batayan sa pangmatagalang pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN.

Sa ngalan ng mga embahador ng mga bansang ASEAN sa Tsina, bumigkas naman ng talumpati si Thit Lin Ohwn, Embahador ng Myanmar sa Tsina. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, ibayo pang sumusulong ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng mga bansang ASEAN at Tsina, at nagiging malapit ang puso ng mga mamamayan. Umaasa rin aniya siyang, sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, ibayo pang malalaman at pahahalagahan ng mga mamamayan ng mga bansang ASEAN at Tsina ang kultura ng isa't isa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino