China Film Group Corporation, tutulungan ang Laos sa pagpapalabas ng mga pelikula sa kanayunan

2018-09-01 16:18:13 CRI

Beijing, Tsina—Nilagdaan kamakailan ng China Film Group Corporation at Departamento ng Pelikula ng Ministri ng Impormasyon, Kultura at Turismo ng Laos ang Memorandum of Understanding (MoU) kung saan tutulungan ng una ang Laos na palaganapin ang pagpapalabas ng mga pelikula sa kanayunan. Ito ang unang MoU sa pagitan ng Laos at dayuhang kompanya ng pelikula.

Ayon sa nasabing MoU, magkasamang itatakda ng kapuwa panig ang plano ng kooperasyon sa pelikula, at ipagkakaloob ang mga pelikula, teknik, pasilidad at patnubay para sa pagpapalabas ng mga pelikula sa kanayunan ng Laos. Magtutulungan din sila sa pagsasapelikula ng mga feature film, children's film at scientific at educational film, at magsasagawa ng pagsasanay ng mga propesyonal na talento ng pelikula.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino