Mga bansang ASEAN, sabik umakit ng mas maraming turistang maninisid na Tsino

2018-09-07 15:01:03 CRI

Binuksan sa Bejing nitong Huwebes, Setyembre 6, 2018, ang Ika-2 Beijing Ocean Week at Asia Dive Expo (ADEX) China. Kalahok dito ang maraming ahensyang panturismo at diving club mula sa mga bansa ng timog-silangang Asya na gaya ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Thailand at iba pa, para umakit ng mas maraming turistang Tsino na manisid sa nasabing mga bansa.

Ayon sa salaysay, ang karamihan sa pinakapopular na sampung diving destination ng daigdig ay matatagpuan sa Coral Triangle na malapit sa Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Papua New Guinea, Timor Leste at Solomon Islands. Mahigit 600 uri ng korales at 2,000 uri ng isda ang makikita sa lugar

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino