Pilipinas, pasusulungin ang pagbuhay sa Ilog Pasig

2018-09-18 17:39:15

Manila-Isang pulong para pasulungin ang rehabilitation ng Ilog Pasig ang idinaraos mula ika-18 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2018, sa University of the Philippines Diliman.
Ang paksa ng pulong na ito ay “Ilog Pasig: Balik Tanaw, Balik Sigla.” Lumahok sa pulong na ito ang mga kinatawan ng national government agencies, local government units at pribadong organisasyon.
Sa unang araw ng pulong na ito, inilahad ng mga kinatawan ng local government units ang kanilang mga mungkahi at hakbangin ukol sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig. Pagkatapos nito,  ang mga kalahok ay inilagay sa limang grupo para magkakahiwalay na talakayin ang limang isyung gaya ng Community Engagements; Art for Urban Change; Science, Technology, and Innovative Green Projects; Mythology and History; at Theater Workshop.
Kabilang sa mga aktibidad sa ikalawang araw ng pulong ang lecture  na pinamagatang “Ilog Pasig: Pusod at Pulso ng Pilipino,” at paglalahad ng mga kalahok ng kani-kanilang proyekto at hakbangin ukol sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig.
Ang pulong na ito ay nasa pagtataguyod ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Philippine Educational Theater Association (PETA). Ito rin ay bahagi ng Taga-Alog 2018 campaign na sinimulan nitong nagdaang Hunyo 27 para ipaalam ang mga proyekto kaugnay ng pagpapanumbalik ng buhay at kagandahan ng Ilog Pasig at ipagkaloob ang mga pagkakataon ng pag-unlad para sa mga komunidad sa paligid ng ilog sa pamamagitan ng mga katugong plano.
Ang Pasig River system ay bumabagtas sa walong lunsod ng Metro Manila na gaya ng Maynila, Mandaluyong, Makati, Marikina, Pasig, San Juan, Taguig, at Lunsod Quezon, at munisipalidad ng Pateros.
 
Balita/Larawan: Ernest
Pulido:Mac/Jade
Web-edit: Sarah


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino