Tsina, nagpahayag ng kalungkutan at pagdadalamhati sa pagyao ng Pangulong Biyetnames

2018-09-21 18:00:08 CRI

Ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-21 ng Setyembre 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang lubos na kalungkutan at labis na pagdadalamhati ng panig Tsino sa pagyao ni Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam.

Sinabi ni Geng, na si Tran ay namumukod na lider ng partido at estado ng Biyetnam. Nagbigay siya ng mahalagang ambag sa kaunlaran at reporma ng Biyetnam, at pagpapalalim ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Biyetnam, dagdag ni Geng.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino