Tsina't Singapore, nakahandang iugnay ang mga estratehiyang pangkaunlaran

2018-09-22 16:33:23 CRI

Mula nitong Miyerkules hanggang Biyernes, Setyembre 19-21, dumalaw sa Singapore si Han Zheng, Pangalawang Premyer ng Tsina, at kinatagpo siya nina Pangulong Halimah Yacob, Punong Ministro Lee Hsien Loong, Pangalawang Punong Ministro Tharman Shanmugaratnam at Pangalawang Punong Ministro Teo Chee Hean ng Singapore. Magkasamang nangulo sina Han at Teo sa apat na pulong na pangkooperasyon sa mataas na antas.

Sina Han Zheng (kaliwa) at Pangulong Halimah Yacob

Sina Han Zheng (kaliwa) at Punong Ministro Lee Hsien Loong

Sina Han Zheng (kaliwa) at Pangalawang Punong Ministro Tharman Shanmugaratnam

Nagkaisa ang mga lider ng dalawang bansa na iugnay ang mga estratehiyang pangkaunlaran at magkasamang pasulungin ang Belt and Road Initiative para maisakatuparan ang komong kasaganaan. Ipinahayag din nila ang kahandaan na pangalagaan ang multilateralismo.

Lumgada rin ang dalawang panig sa serye ng dokumentong pangkooperasyon sa larangan ng inobasyon, karanasang pangkooperasyon, pagsasanay sa mga talento, pagpapalitang pangkultura at iba pa.

Si Han Zheng (gitna)habang dumadalaw sa Singapore City Gallery

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino