Pulong ng Boao Forum for Asia, binuksan sa Phnom Penh

2018-09-27 09:35:25 CRI

Binuksan Setyembre 26, 2018 sa Phnom Penh, Kambodya ang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).

Ang tema ng pulong ay: “Paghahangad ng Kaunlaran at Pagpapasulong ng Win-win Cooperation.”

Dumalo sa pagtitipon sina Pangalawang Punong Ministro Hor Nam Hong ng Kambodya, Pangkalahatang Kalihim Li Baodong ng BFA, at mahigit 200 kinatawan mula sa ibat-ibang sirkulo.

Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pagtutulungang pandaigdig sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road, ugnayan ng Belt and Road at pambansang estratehiyang pangkaunlaran ng Kambodya, at pagpapahigpit ng kooperasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN at Tsina at Kambodya sa ibat-ibang larangan.


       


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino