Tsina, nakikiramay sa pagyao ng dating Pangkalahatang Kalihim ng CPV

2018-10-06 16:31:55 CRI

Pumunta ngayong araw, Sabado, ika-6 ng Oktubre 2018, si Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa embahada ng Biyetnam sa Beijing, para lumahok sa seremonya ng pagluluksa kay Do Muoi, yumaong dating Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).

Ipinahayag ni Yang ang paghanga kay Do Muoi sa kanyang mahalagang ambag sa pagsasakatuparan ng normalisasyon ng relasyon ng Tsina at Biyetnam, at pagpapaunlad ng relasyong ito.

Binanggit din niyang, ipinadala minsan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, ang mensahe kay Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPV, bilang pakikiramay sa pagyao ni Do Muoi.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino