Makataong tulong ng Tsina, dumating sa Indonesya

2018-10-10 10:34:12 CRI

Jakarta, Indonesya-Inihatid dito kahapon, ika-9 ng Oktubre ang unang pangkat ng makataong materyal mula sa Tsina.

Ayon sa kahilingan ng pamahalaan ng Indonesya, nakatakdang bigyan ng Tsina ang bansa ng makataong materyal na kinabibilangan ng tolda, kagamitang pang-linis ng tubig at iba pa. Nakatakdang ihatid ito sa limang pangkat.

Noong ika-28 ng Setyembre, naganap ang 7.4 magnitude na lindol sa lalawigang Sulawesi ng Indonesya. Hanggang ika-9 ng Oktubre, 2,010 katao ang nasawi sa lindol, at 83,000 iba pa ang nailikas tungo sa mga pansamantalang tirahan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino