China Unicom, itinayo ang sangay sa Biyetnam

2018-10-10 12:01:27 CRI

Hanoi, Biyetnam—Pormal na itinatag Martes, Oktubre 9, 2018 ang China Unicom (Vietnam) Operations Company Limited.

Ipinahayag ni Chen Shuxiong, Pangalawang Presidente at Chief Finance Officer ng China Unicom Global Limited, na ang pagtatatag ng nasabing kompanya ay isa pang pragmatikong aksyon ng bahay-kalakal ng telekomunikasyon ng Tsina sa aktibong pagpapatupad ng Belt and Road Initiative. Aniya, ibayo pang palalakasin nito ang estratehikong kooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng telekomunikasyon ng Tsina at mga local operator ng Biyetnam, at pasusulungin ang konektibidad ng impormasyon at bilateral na kalakalan ng dalawang bansa.

Hanggang ngayon, itinayo na ng China Unicom ang 12 sangay sa rehiyon ng Belt and Road.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino