Tsina at Thailand, isasagawa ang kooperasyon sa yamang-tubig sa ilalim ng LMC Fund

2018-10-12 17:26:58 CRI

Nilagdaan kahapon, Huwebes, ika-11 ng Oktubre 2018, sa Bangkok, nina Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand, at Wijarn Simachaya, Pangalawang Ministro ng Likas na Yaman at Kapaligiran ng Thailand, ang kasunduan hinggil sa mga proyektong pangkooperasyon sa yamang-tubig ng dalawang bansa, sa ilalim ng Lancang-Mekong Cooperation Fund.

Ang Lancang-Mekong Cooperation Fund ay itinatag sa pamamagitan ng 300 milyong Dolyares na pondong ipinagkaloob ng Tsina. Ayon sa naturang kasunduan, gagamitin ng Thailand ang bahagi ng pondo, para isagawa ang pag-aaral hinggil sa pagharap sa pagbabago ng klima at paggagalugad ng hydro power sa Lancang River.

Sa seremonya ng paglalagda, isiniwalat naman ng Embahador Tsino, na tinatalakay ng iba't ibang bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River ang pagbalangkas ng panlimahang-taong plano ng aksyon ng kooperasyon sa yamang-tubig, para palakasin ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa aspektong ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino