22 patay sa baha't landslide sa kanlurang Indonesia

2018-10-14 15:20:23 CRI

Ayon sa National Agency for Disaster Management (BNPB) ng Indonesia, hanggang Sabado, Oktubre 13, 2018, 22 katao na kinabibilangan ng mga bata ang namatay at 15 ang nasugatan sapul nang masalanta ng baha at landslide ang West Sumatra at North Sumatra, dalawang probinsya sa dakong kanluran ng bansa, nitong Huwebes, Oktubre 11.

Inilahad ni Sutopo Purwo Nugroho, Tagapagsalita ng BNPB na patuloy pa rin ang mga operasyon ng paglikas at pagliligtas at paghahanap. Kabilang sa mga kasuwalti, 11 batang estudyante mula sa isang paaralang Islamiko ang nasawi sa bumagsak na gusali sa nayong Muara Saladi, Mandailing Natal, North Sumatra, dagdag pa niya.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino