AKP Mochtan: inaasahang magiging mas mahigpit ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina

2018-10-19 12:19:41 CRI

Beijing, Tsina—Ipinahayag Huwebes, Oktubre 18, 2018 ni AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na palagiang naninindigan ang ASEAN sa ideya ng bukas at malayang kalakalan, at nagpupunyagi ito para mapasulong ang proseso ng talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Inaasahan niyang magiging mas mahigpit ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina.

Si AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN

Winika ito ni Mochtan sa panahon ng kanyang pagdalo sa ika-3 China-ASEAN Youth Summit na binuksan nang araw ring iyon sa Peking University. Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Mochtan na napakalaki ng impluwensiya ng kabataan, at malaki ang maitutulong nila sa mapagkaibigang relasyon ng Tsina at ASEAN. Umaasa aniya siyang sila'y magiging lakas-panulak ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa hinaharap.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino