Mga pahayag sa pagpapasulong ng pagtitiwalaan at paglaban sa terorismo, inilabas ng ADMM-Plus

2018-10-20 21:56:41 CRI

Idinaos ngayong araw sa Singapore ang Ika-5 Pulong ng ADMM-Plus. Lumahok sa pulong ang mga ministrong pandepensa ng mga kasaping bansa ng ASEAN at mga dialogue partner ng organisasyon.

Pinagtibay sa pulong ang magkasanib na pahayag hinggil sa pagtatatag ng mga pragmatikong hakbangin ng pagtitiwalaan at magkasanib na pahayag laban sa terorismo.

Sa ngalan ng Tsina, lumahok sa pulong si Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministrong Pandepensa ng bansa.

Sa sidelines ng pulong, nakipagtagpo si Wei sa mga kalahok na counterpart mula sa Singapore, Amerika, Laos, New Zealand, Hapon, Timog Korea, Australia, Thailand at iba pa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino