Beibu Gulf University, puspusang magsasanay ng mga application-oriented talent tungo sa ASEAN

2018-10-23 13:57:42 CRI

Ipinahayag Lunes, Oktubre 22, 2018 ni Zhao Jun, Kalihim ng Komite ng Partido Komunista ng Tsina sa Qinzhou University na namamahala sa gawaing preparatoryo ng pagtatatag ng Beibu Gulf University, na sa kasalukuyan, natapos na sa kabuuan ang mga takdang gawain. Aniya, sa hinaharap, puspusang sasanayin ng Beibu Gulf University ang mga application-oriented talent tungo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Zhao Jun, Kalihim ng Komite ng Partido Komunista ng Tsina sa Qinzhou University, habang kinakapanayam ng mga mamamahayag

Ani Zhao, ang Beibu Gulf Universtiy ay binabalak na itatag batay sa Qinzhou University. Sa hinaharap, ipapauna nito ang pagsasanay ng mga talento sa mga aspektong gaya ng pananaliksik sa dagat, transportasyong pandagat, edukasyong pandaigdig, lengguwahe ng mga bansang ASEAN, at iba pa.

Kampus ng Qinzhou University

Isinalaysay pa niyang itinatag ng Beibu Gulf University ang relasyon sa pagpapalitan at pagtutulungan sa mahigit 40 unibersidad ng mahigit 20 bansa't rehiyon, na kinabibilangan ng Biyetnam, Thailand, at Malaysia, at tatanggapin ang mga estudyante mula sa mahigit 40 bansa't rehiyon na kinabibilangan ng mga bansang ASEAN.


Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino