Tsina at Thailand, positibo sa 15-taong estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN

2018-10-23 16:57:56 CRI

Sa pagtataguyod ng Embahada ng Tsina sa Thailand, Ministring Panlabas ng Thailand, at Thammasat University ng bansang ito, idinaos kahapon, Lunes, ika-22 ng Oktubre 2018, sa Bangkok, ang pandaigdig na talakayan bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa talakayan, sinabi ni Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand, na ang relasyong Sino-ASEAN ay modelo sa rehiyonal na kooperasyon ng Asya-Pasipiko, at nagdudulot ito ng aktuwal na benepisyo sa 2 bilyong mamamayan ng dalawang panig. Aniya, patuloy na bibigyan ng priyoridad ng Tsina ang pagpapaunlad ng pakikipagkooperasyon sa ASEAN, para ang kapwa panig ay maging lakas tagapagpasulong sa pag-unlad ng rehiyon at buong daigdig.

Sinabi naman ni Suriya Chindawongse, Puno ng Departamento ng ASEAN ng Ministring Panlabas ng Thailand, na sa relasyon ng ASEAN at mga partner nito, pinakamabilis ang pag-unlad at pinakamasagana ang bunga ng relasyong ASEAN-Tsino. Higit sa lahat aniya, ang positibong pagbabago ng kalagayan sa South China Sea ay mahalagang bunga ng magkasamang pagsisikap at win-win cooperation ng ASEAN at Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino