Tsina, palalakasin ang pakikipagtulungan sa mga bansang ASEAN sa pansibilyang paggamit ng nuclear power

2018-10-25 18:29:56 CRI

Sa isang panayam kahapon, Miyerkules, ika-24 ng Oktubre 2018, sinabi ni Chen Jian, General Manager ng Guangxi Fangchenggang Nuclear Power Co., Ltd., sangay ng China General Nuclear Power Corporation (CGN) sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa timog kanluran ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa iba't ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sa pansibilyang paggamit ng nuclear power.

Isinalaysay ni Chen, na sa China-ASEAN Expo nitong ilang taong nakalipas, itinatanghal ng CGN ang mga maunlad na teknolohiya ng nuclear power, at naging interasado rito ang ilang bansang ASEAN, na may sariling plano ng pagpapaunlad ng nuclear power. Kabilang dito, isiniwalat niyang, nagkaroon na ng aktuwal na kooperasyon ang CGN at isang kompanya sa ilalim ng Electricity Generating Authority of Thailand.

Ipinahayag ni Chen, na nakahanda ang CGN, na pahigpitin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa iba't ibang bansang ASEAN sa aspekto ng pagsasanay ng talento at pagbabahagi ng teknolohiya, at gusto rin nitong ipakilala sa mga bansang ASEAN ang Hualong One reactor design technology, na sariling idinebelop ng panig Tsino.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino