Punong tagapayong pulitikal ng Tsina't punong lehislador ng Cambodia, nagtagpo; bilateral na relasyon, isusulong

2018-10-26 12:24:24 CRI

Kinatagpo nitong Huwebes, Oktubre 25, ni Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng Tsina, si Samdech Say Chhum, Pangulo ng Senado ng Cambodia.

Sina Wang (kanan) at Samdech Say Chhum (kaliwa)

Nakahanda ang dalawang panig na pabilisin ang pag-uugnayan ng mga pambansang estratehiya ng dalawang bansa sa proseso ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI), at palalimin ang mga pragmatikong kooperasyon sa larangan ng agrikultura, kabataan, turismo, kultura at iba pa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino