Mga pelikulang Tsino, inilalabas sa Thailand

2018-10-28 19:43:36 CRI

Pinasinayaan nitong Biyernes, Oktubre 26 sa Chulalongkorn University ng Thailand ang proyekto ng pagpapalabas ng mga pelikulang Tsino sa ilalim ng Lancang Mekong Cooperation (LMC). Sa pasinaya, ang pelikulang Tsino na Never Say Die ay inilabas.

Ang proyektong ito ay nasa magkasamang pagtataguyod ng China Radio International at China Film Group Corporation. Lumahok sa pasinaya ang mga panauhin mula sa mga sektor ng kultura at edukasyon ng Thailand, at mga kinatawan mula sa Pasuguan ng Tsina at iba pa.

Tatagal ang pagpapalabas hanggang katapusan ng susunod na Nobyembre. Bukod sa Bangkok, gaganapin din ito sa iba pang mga lugar ng Thailand na gaya ng Chiang Mai, Phitsanulok, Khon Kaen, Maha Sarakham, Rayong, Chon Buri, Suphan Buri, at Ayutthaya.

Sabay na inilalabas din ang mga pelikulang Tsino sa Laos, Myanmar at Cambodia. Layon nitong pasulungin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan sa kahabaan ng Ilog na Lancang-Mekong. Ang Lancang Mekong Cooperation (LMC) na itinatag noong 2016 ay binubuo ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong na kinabibilangan ng Cambodia, China, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam. Ang Lancang ay tawag ng mga Tsino sa Ilog Mekong sa bahagi sa Tsina.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino