Delegasyon sa mataas na antas ng pamahalaang Biyetnames, lalahok sa unang CIIE

2018-10-29 17:18:43 CRI

Sa kanyang panayam Lunes, Oktubre 29, 2018 sa China Radio International, isiniwalat ni Dang Minh Khoi, Embahador ng Biyetnam sa Tsina, na sa panahon ng gaganaping Unang China International Import Expo (CIIE), lalahok sa mga pangunahing aktibidad ang delegasyon sa mataas na antas ng pamahalaan ng Biyetnam na pamumunuan ni Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc.

Ang Biyetnam ay isa sa 12 guest country of honor ng kasalukuyang ekspo. Sa kasalukuyan, sumusulong ang gawaing preparatoryo ng pambansang pabilyon at pabilyon ng mga bahay-kalakal ng Biyetnam. Itatanghal sa nasabing pambansang pabilyon, pangunahing na, ang mga produktong agrikultural at pandagat, pagpo-proseso ng pagkain at serbisyo ng kalakalan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino