Eroplano ng Indonesia na may lulang 189 tao, bumagsak sa dagat

2018-10-29 17:19:55 CRI

Isiniwalat Lunes, Oktubre 29, 2018, ng Pambansang Kawanihan ng Paghahanap at Pagliligtas ng Indonesia na bumagsak sa dagat ang isang domestic flight ng Lion Air ng Indonesia na may lulang 189 tao.

Ayon sa salaysay, ang nasabing eroplano ay lumipad mula Jakarta patungong Pangkal Pinang, punong lunsod ng Lalawigang Bangka Belitung. Nawalan ito ng kontak, 13 minuto pagkaraang lumisan ng paliparan. Sa kasakuluyan, kumpirmadong bumagsak sa rehiyong pandagat sa kahilagaan ng Java Island ang eroplanong ito.

Patungo na sa pinabagsakan ng eroplano ang mga rescue team para isagawa ang paghahanap at pagliligtas.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino