Thailand, kakanselahin ang bayad sa visa on arrival para sa 21 bansa't rehiyon

2018-11-07 14:08:40 CRI

Inaprobahan Martes, Nobyembre 6, 2018 ng Gabinete ng Thailand ang hakbangin sa pansamantalang pagkansela ng bayad sa visa on arrival para sa 21 bansa't rehiyon na kinabibilangan ng Tsina. Ang taning ng nasabing hakbangin ay mula Disyembre 1, 2018 hanggang katapusan ng Enero, 2019.

Ayon kay Puttipong Punnakanta, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Thailand, na layon ng nasabing hakbangin na himukin ang mga dayuhang turista na maglakbay sa Thailand sa panahon ng bagong taon.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino