Lim Jock Hoi: ASEAN at Tsina, palalakasin ang pagsasamahan at pagtutulungan

2018-11-11 18:43:23

Sa panayam kamakailan sa Xinhua News Agency hinggil sa gagawing serye ng mga summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Singapore, sinabi ni Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na ang taong ito ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng ASEAN at Tsina. Tungkol dito, palalakasin at patataasin ng dalawang panig ang kanilang pagsasamahan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, para magbigay ng bagong lakas sa relasyong ASEAN-Sino.

Sinabi ni Lim, na sa gagawing ika-21 ASEAN-China Summit, inaasahang mararating ang 2030 Vision for ASEAN-China Strategic Partnership. Ito aniya ay magbibigay ng matibay na pundasyon sa ibayo pang pag-unlad ng estratehikong partnership ng dalawang panig sa darating na 10 taon.

Binigyan din ni Lim ng mataas na pagtasa ang kasalukuyang kooperasyon ng ASEAN at Tsina sa tatlong pangunahing aspekto, na gaya ng pulitika't seguridad, kabuhaya't kalakalan, at sosyal-kultura. Optimistiko rin siya sa pagkakaroon ng substansyal na bunga ng talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership, bago ang katapusan ng taong ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino