CRI Komentaryo: ASEAN-China Strategic Partnership Vision 2030, pangmatagalang plano para sa Tsina at ASEAN

2018-11-14 19:32:19 CRI

Sa Ika-21 Summit ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na idinaos ngayong araw, Miyerkules, ika-14 ng Nobyembre 2018, sa Singapore, pinagtibay ni Premyer Li Keqiang ng Tsina at mga lider ng iba'tibang bansang ASEAN, ang ASEAN-China Strategic Partnership Vision 2030. Ang Tsina ay naging unang bansang nagkakaroon, kasama ng ASEAN, ng pangmatagalang plano para sa pag-unlad ng kanilang relasyon.

Sapul nang itatag ng Tsina at ASEAN ang estratehikong partnership noong 2003 hanggang 2013, nagkaroon ang dalawang panig ng "golden decade" ng kanilang relasyon. Pagkatapos, pumasok sa diamond decade ang relasyon ng dalawang panig. At sa kasalukuyan, itinakda rin nila ang plano ng pagpapaunlad ng relasyon tungo sa taong 2030. Maaring sabihin, ang komong pag-asa at pananalig ng Tsina at ASEAN sa pag-unlad sa hinaharap, kanilang matibay na aksyon sa pangangalaga sa malayang kalakalan at multilateralismo, at isinasagawang malalim na kooperasyon sa iba't ibang aspekto ay mga pundasyon ng pagkakaroon ng dalawang panig ng isang pangmatagalang plano.

Ipinakikita rin nito ang kompiyansa ng ASEAN sa tuluy-tuloy na pag-unlad at pagbubukas sa labas ng Tsina, at pagkilala sa Tsina bilang isang responsableng malaking bansa. Ang pagpapanatili at pagpapataas pa ng lebel ng relasyong pangkaibigan ng Tsina at ASEAN ay hindi lamang magbibigay ng tuluy-tuloy na lakas sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng dalawang panig, kundi rin magpapalaki ng papel ng kapwa panig sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino