Kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa imprastruktura, mahalaga--Kalihim ng DPWH

2018-11-23 19:15:38 CRI

Manila--Ipinahayag dito Huwebes, ika-22 ng Nobyembre, ni Secretary Mark Villar ng Public Works and Highways ng Pilipinas, na mahalaga ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa larangan ng konstruksyon ng imprastruktura, dahil nakikinabang dito ang mga Pilipino.

Sinabi niyang ang nasabing kooperasyon ng dalawang bansa ay magpapabuti ng kasalukuyang kondisyon ng transportasyong pampubliko ng Pilipinas para mapadali ang pagbibiyahe ng mga Pilipino, at pagbawas ng gastusin ng paghahatid ng mga produkto. Ito aniya ay nakakabuti sa pamumuhay ng mga Pilipino at pambansang kabuhayan.

Samantala, ang proyekto ng imprastruktura ay makakakuha ng malaking pangangailangan sa trabaho, aniya pa.

Sa katatapos na unang dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas, nagpalitan ang DPWH at Ministri ng Komersyo ng Tsina ang dalawang kasunduan na gaya ng "Implementation Agreement of the Feasibility Study of Panay-Guimaras-Negros Island Bridge Project" at "Implementation Agreement of the Feasibility Study of Davao City Expressway Project."

Sinabi ni Sec. Villar na sinimulan na ang mga feasibility studies sa naturang dalawang proyekto at inaasahang masisimulan ang konstruksyon ng mga ito sa taong 2019.

Sinabi pa niyang mayaman ang karanasan ng Tsina sa konstruksyon ng imprastruktura at matulungin ito sa pagbibigay ng mga tulong na pondo at teknolohiya na kinakailangan ng Pilipinas.

Kaugnay ng katatapos na pagdalaw ni Xi, sinabi ni Villar na mabunga ang nasabing dalaw. Ikinagalak niya ang ipinakitang ospitalidad ng Pilipinas sa kanya. Sinabi pa niyang mahalaga ang pagpapalalim ng kooperasyon at relasyong Sino-Pilipino na may mutuwal na kapakinabangan.

Sapul noong 2016, isinasagwa ng Tsina at Pilipinas ang mga kooperasyon sa imprastruktura. Sinabi ni Villar na hindi maganda ang kalagayan ng imprastruktura sa Pilipinas noon at sa kasalukuyan, sinimulang pabilisin ng pamahalaang Pilipino ang pagpapaganda nito.

Sinabi pa niyang itinuturing ng Pilipinas ang Tsina bilang magandang modelo sa pagpapalaki ng pambansang kabuhayan sa pamamagitan ng konstruksyon ng imprastruktura. Dagdag pa niya, maaaring ipatupad ng Pilipinas ang parehong hakbangin.

Binigyang-diin ni Villar na Malaki ang proyekto ng imprastruktura ng Pilipinas at Tsina at kailangan nito ang masusing pagsusuri bago ang konstruksyon. Kaya mahaba ang kabuuang panahon na gugugulin sa konstruksyon ng imprastruktura at dapat manatili ang pasensiya, aniya pa.

Samantala, puno siya ng kompiyansa na makikinabang ang Pilipino sa kooperasyon ng Tsina at Pililipinas sa imprastruktura sa termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, basta buong sikap na magtutulungan ang dalawang bansa para rito.

Ang Tsina ay isang bansa kung saan may magandang ala-ala si Villar dahil inalok niya ng kasal ang nobyang si Emmeline Yan Aglipay habang silang dalawa ay bumisita sa Great Wall sa Beijing noong 2014. Umaasa aniya siyang mananatiling pangmatagalan ang pagkakaibigan ang Pilipinas at Tsina para magkasamang isakatuparan ang kanilang komong target sa pagpawi ng kahirapan at pag-unlad ng pambansang kabuhayan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino