Konstruksyon ng proyekto ng pag-momonitor sa lindol ng Laos, nagsimula

2018-11-28 11:01:59 CRI

Vientiane, kabisera ng Laos-Idinaos Nobyembre 27, 2018 ang seremonya ng groundbreaking ng National Earthquake Monitoring at Data Center ng Laos.

Dumalo sa nasabing seremonya sina Bounmy Phouttavong, Ministro ng Likas-yaman at Kapaligiran ng Laos, Wang Qihui, Economic and Commercial Counsellor ng Tsina sa Laos, at mga kinatawan mula sa mga may-kinalamang sektor ng dalawang panig.

Ipinahayag ng dalawang panig na bilang isa sa mga proyektong maitatatag sa Laos, sa ilalim ng tulong na ibinibigay ng Tsina, ito ay gaganap ng mahalagang papel sa pagpigil sa kalamidad ng lindol, at pagbabawas ng kapinsalaan ng buhay at ari-arian sa kalamidad, sa Laos at mga bansang ASEAN.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino