Daang-bakal na gawa ng kompanyang Tsino, iniluwas sa Indonesya

2018-12-05 15:42:34 CRI

Inihatid kahapon, Martes, ika-4 ng Disyembre 2018, mula lalawigang Liaoning sa hilagang silangan ng Tsina patungo sa Indonesya, ang mahigit 11 libong toneladang daang-bakal, na ginawa ng Angang Steel Company ng Tsina.

Ayon sa naturang kompanya, gagamitin ang mga ito sa isang proyektong itinataguyod ng pamahalaan ng Indonesya.

Nauna rito, iniluwas din ang mga daang-bakal ng naturang kompanyang Tsino sa Thailand.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino