3 cultural relics protection worker ng Tsina, ginawaran ng gantimpala ng Kambodya

2018-12-05 15:43:18 CRI

Ginawaran kahapon, Martes, ika-4 ng Disyembre 2018, ng pamahalaan ng Kambodya ng Order of Cambodia Knight ang tatlong cultural relics protection worker mula sa Tsina, bilang papuri sa kanilang ambag sa conservation project ng Angkor Wat.

Ang naturang 3 manggagawang Tsino na sina Xu Yan, Wang Yuanlin, at Gu Jun, na galing sa Chinese Academy of Cultural Heritage, ay mga kinatawan ng maraming cultural relics protection worker ng Tsina na kalahok sa proyekto ng pagkumpuni at pangangalaga sa Angkor Wat, nitong nakalipas na 25 taon.

Sila ay kasama sa mga cultural relics protection worker mula sa iba't ibang bansa, na ginawaran ng gantimpala sa Ika-25 Sesyong Plenaryo ng International Coordinating Committee for the Safeguarding and Development of the historic site of Angkor, na binuksan kahapon sa Siem Reap, Kambodya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino