Linggo ng pagpapalitan ng mga tradisyonal na opera ng Tsina at Biyetnam, binuksan sa Hanoi

2018-12-13 14:46:27 CRI

Van Ho Exhibition Center, Hanoi—Binuksan Lunes, Disyembre 11, 2018 ang aktibidad ng linggo ng pagpapalitan ng mga tradisyonal na opera ng Tsina at Biyetnam.

Ang nasabing aktibidad ay magkasamang itinaguyod ng Embahada ng Tsina sa Biyetnam at Samahan ng Mga Dramatista ng Biyetnam. Ang makukulay na aktibidad sa nasabing linggo ng pagpapalitan ay kinabibilangan ng pagtatanghal na pansining tampok ang buhay ng yumaong pinakakilalang Peking opera master sa Tsina na si Mei Lanfang, simposyum hinggil sa pagmamana at pag-unlad ng tradisyonal na opera ng Tsina at Biyetnam, pagpapalitan ng mga dramatist ng dalawang bansa, evening gala ng palabas ng Peking opera, Cheo opera at Tuong opera at iba pa.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino