Pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore, binigyan ng positibong pagtasa ang determinasyon ng Tsina sa reporma at pagbubukas

2018-12-20 12:47:27 CRI

Sa front page ng pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore Miyerkules, Disyembre 19, 2018, inilabas nito ang balita kaugnay ng talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas na ginanap nitong Martes. Anang artikulo, inulit ng pangulong Tsino ang determinasyon sa reporma at pagbubukas, ipinagdiinang dapat pasulungin ang reporma kahit magiging pahirap nang pahirap ang landas, at binigyang-diin din ang determinasyon ng Tsina sa pagtahak sa sariling landas ng pag-unlad.

Nakalathala rin sa front page ang hinggil sa pagtanggap ni dating Punong Ministro Lee Kuan Yew ng Singapore ng China Reform Friendship Medal. Anang ulat, lubos na pinag-ukulan ng pansin ni Lee ang proyekto ng Suzhou Industrial Park, unang proyekto ng kooperasyon sa pagitan ng mga pamahalaan ng Tsina at Singapore. Sinubaybayan niya mismo ang progreso ng proyekto, at nilutas ang maraming kahirapan sa proseso ng proyektong ito.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino