Direktang flight mula Yangon patungong Chengdu, bubuksan ng Myanmar National Airlines

2018-12-20 13:48:39 CRI

Sa isang news briefing Miyekules, Disyembre 19, 2018, ipinatalastas ng Myanmar National Airlines na isasaoperasyon sa Disyembre 28 ang direktang flight sa pagitan ng Yangon at Chengdu, Lalawigang Sichuan ng Tsina. May tatlong round-trip flights bawat linggo ang nasabing ruta.

Ito ay magsisilbing ika-6 na linyang pandaigdig na isinaoperasyon ng Myanmar National Airlines, at unang direktang flight din patungong Chinese mainland ng industriya ng abiyasyon ng bansang ito.

Bukod sa pagpapaikli ng oras ng paglipad sa pagitan ng dalawang lunsod, makakapagpasulong din ang nasabing direktang flight sa pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang lunsod, maging ng dalawang bansa.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino