222, patay sa tsunami sa Indonesya

2018-12-24 10:41:52 CRI

Ayon sa pinakahuling ulat ng national disaster management agency ng Indonesya, hanggang alas-4 kahapon ng hapon, Linggo, ika-23 ng Disyembre 2018, 222 katao na ang nasawi, 843 iba pa ang nasugatan, at 28 ang nawawala sa tsunaming naganap kagabi sa Sunda Strait sa gawing kanluran ng bansang ito. Samantala, nawasak ang 556 na pribadong tahanan at 9 na hotel.


Ayon naman sa pagmomonitor ng meteorology and geophysics agency ng Indonesya, walang naganap na lindol noong panahon ng tsunami. Ipinalalagay nitong, ang tsunami ay sanhi ng landslide sa seabed na dulot ng pagsabog ng bulkang Anak Krakatau.

Pagkaraang maganap ang tsunami, ipinahayag ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya ang pakikiramay sa mga biktima at kanilang pamilya.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino