15, patay sa landslide sa Indonesya

2019-01-02 16:14:55 CRI

Ayon sa ulat ng National Disaster Mitigation Agency ng Indonesya, hanggang kahapon ng hapon, Martes, unang araw ng Enero 2019, umabot na sa 15 ang bilang ng mga nasawi sa landslide na naganap noong huling araw ng nagdaang buwan sa Distrito ng Sukabumi, lalawigang West Java ng bansang ito. Samantala, 20 katao ang nakabaon pa, at 3 iba pa ang nasugatan.

Sinabi rin ng naturang ahensya, na ang malakas na ulan nitong ilang araw na nakalipas ang pangunahing sanhi ng nabanggit na landsilde. Sa kasalukuyan, mayroon pa ring posibilidad na muling maganap ang landslide sa 33 nayon sa Distrito ng Sukabumi, dagdag ng ahensya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino