Ministrong Panlabas ng Tsina, nakikiramay sa Pilipinas kaugnay ng bagyong Usman

2019-01-04 19:11:27 CRI

Nagpadala ng mensahe kahapon, Huwebes, ika-3 ng Enero 2019, si Wang Yi, Ministrong Panlabas at Kasangguni ng Estado ng Tsina, kay Teodoro Locsin, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, kaugnay ng pagdulot ng bagyong Usman ng malaking kasuwalti at kapinsalaan sa Pilipinas.

Ipinahayag ni Wang ang pakikidalamhati sa mga nabiktima, at pakikiramay sa mga nasugatan at kani-kanilang mga kamag-anakan. Nakahanda aniya ang panig Tsino, na magkaloob, sa abot ng makakaya, ng mga kinakailangang tulong sa panig Pilipino.

Ipinahayag din ni Wang ang pananalig, na sa ilalim ng pagsisikap ng pamahalaang Pilipino, mapagtatagumpayan ng mga apektadong mamamayang Pilipino ang kahirapan, at mapapanumbalik sa lalong madaling panahon ang normal na pamumuhay.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino