Mga tourism stakeholders ng Pilipinas, pabubutihin ang serbisyo para maakit ang mas maraming turistang Tsino

2019-01-11 12:16:42 CRI

Ipinahayag Miyerkules, Enero 9, 2019 ni Marlene Dado Jante, Presidente ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA), na ikinasisiya ng mga tourism stakeholders ng Pilipinas ang tuluy-tuloy na mabilis na paglaki ng bilang ng mga manlalakbay na Tsino sa Pilipinas. Aniya, sa hinaharap, nakahanda silang magkaloob ng mas magandang serbisyo para maakit ang mas maraming turistang Tsino.

Ayon sa estadistika ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas, noong 2015, halos 490,000 na turistang Tsino ang bumisita sa Pilipinas, at tumaas sa 968,000 ang bilang na ito sa taong 2017. Noong unang 10 buwan ng 2018, halos 1.06 milyong Tsino ang naglakbay sa Pilipinas, at ito ay lumaki ng halos 31% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nananatiling ika-2 pinakamalaking pinanggagalingan ng turista ng Pilipinas.

Dagdag ni Jante, sa kasalukuyan, nakikipagsanggunian ang PTAA, kasama ng ibang organisasyon, sa kaukulang departamento ng pamahalaan ng Pilipinas, para ibayo pang paluwagin ng pamahalaan ang kahilingan sa visa ng mga turistang Tsino.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino