Di-pormal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, ginanap

2019-01-19 10:55:38

Chiangmai, Thailand - Mula Enero 17 hanggang 18, 2019, ginanap ang Di-pormal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa taong 2019 na may temang "Pagpapasulong ng Partnership Para sa Sustenableng Pag-unlad." Ang Thailand ay kasalukuyang bansang tagapangulo ng serye ng pulong ng ASEAN sa kasalukuyang taon.

Tinalakay sa pulong ng mga kalahok ang tungkol sa pokus ng gawain ng ASEAN sa kasalukuyang taon. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Di-pormal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, ginanap


Si Don Pramudwinai sa news briefing

Pagkatapos ng pulong, ipinahayag ni Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand, na sinang-ayunan ng mga kalahok ang pagpapalakas ng konektibidad sa rehiyong ito at pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng mga estratehikong hangaring gaya ng "Pangkalahatang Plano ng Konektibidad ng ASEAN sa 2025."

Dagdag pa niya, inulit ng mga ASEAN foreign ministers na dapat magkakasama silang magsikap para maigarantiya ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng South China Sea.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino