PM ng Thailand, mahigpit na kinondena ang pag-atake sa lokal na monasteryo

2019-01-21 17:20:39

Sa pamamagitan ng tagapagsalita, mahigpit na kinondena noong ika-19 ng Enero ni Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand, ang pag-atake sa isang monasteryo sa lalawigang Narathiwat, Timog Thailand.

Noong gabi ng ika-18 ng Enero, naganap ang pag-atake sa Monaseryo sa Su-ngaipadi, lalawigang Narathiwat ng bansa. Ayon sa isang saksi, ilang naka-unipormeng pansundalo na may mga baril ang sumugod sa lokal na monasteryo at nagpa-ulan ng bala sa tahanan ng mga monghe na humantong sa pagkamatay ng dalawa. Isa sa mga ito ang priyor ng monaseryo. Bukod dito, nasugatan ang dalawa iba pang monghe at ilang naninirahan sa lugar.

Salin: Wendy
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino