Evening gala bilang pagdiriwang sa Pestibal ng Tagsibol, ilalabas sa Tsina't Myanmar

2019-01-21 18:54:50 CRI

Isang evening gala na handog ng mga alagad ng sining mula sa Tsina't Myanmar ang nakatakdang ilabas sa mga TV channel ng dalawang bansa, bilang pagdiriwang sa nalalapit na Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year.

Ini-rekord ang nasabing evening gala nitong Sabado ng gabi, Enero 19 sa istudyo ng Skynet TV ng Myanmar. Nakatakda itong i-ere sa nasabing telebisyon ng Myanmar at Yunnan Satellite TV ng Tsina, sa panahon ng Pestibal ng Tagsibol na natatapat sa Pebrero 5.

Ayon kay Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, layon ng nasabing pagtatanghal na pasulungin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng magkapit-bansa. Hangad din ni Hong na ihatid sa mga mamamayan ng Myanmar ang kaligayahan at pagpapala na dulot ng pinakamahalagang kapistahan ng Tsina.

Sinabi naman ni Aung Ko, Ministro ng Suliraning Panrehiyon at Kultura ng Myanmar na ang ganitong pagpapalitan at pagtutulungang pansining ay makakatulong sa pagpapalalim ng pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa hinggil sa pagkakaiba at pagkakatulad ng kani-kanilang kultura.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino