Linya sa pagitan ng Guangzhou at Cebu, isina-operasyon ng China Southern Airlines

2019-01-23 17:19:00

Linya sa pagitan ng Guangzhou at Cebu, isina-operasyon ng China Southern Airlines

Matagumpay na lumipad kahapon ang kauna-unahang eroplanong kabilang sa pandaigdigang ruta ng China Southern Airlines mula Cebu patungo ng Guangzhou.


Sa seremoniya ng unang paglipad, ipinahayag ni Jiali, Konsul Heneral ng Tsina sa Cebu na noong 2018, ang mga turistang Tsino na pumunta sa Cebu at mga lugar sa paligid nito ay umabot sa mga 500 libong person time. Dahil dito, malakas aniyang sumulong ang pag-unlad ng lokal na kabuhayan at pagpapalitang tao sa tao. Ang operasyon ng direktang linya ng China Southern Airlines sa pagitan ng Guangzhou at Cebu ay tiyak na maglalatag ng isang mas maginhawang tulay para sa pagpapalitang pangkabuhayan, pangkalakalan at pangkultura ng dalawang bansa, dagdag niya.


Samantala, ipinahayag naman ni Shahlimar Tamano, Puno ng Kagawaran ng Turismo(DOT) sa Spring Festival, ang linya ng China Southern Airlines sa pagitan ng Guangzhou at Cebu ay tiyak na magdudulot ng mas maraming turista para sa Cebu.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino